UPDATE ON TYPHOON PEPENG

2009-10-02 19:50

Matapos ang ginawang emergency meeting ng Provincial Disaster Coordinating Council (PDCC) at mga sangay nitong ahensiya kahapon, Oktubre 1, bilang paghahanda sa pagdating ng Super Typhoon “Pepeng,” bumuo ng Advanced Command Posts sa Western Pangasinan na nakabase sa Alaminos para sa 1 at ika-2 Distrito, Central Pangasinan na nakabase sa Lingayen para ika-3 at ika-4 na Distrito at Eastern Pangasinan na nakabase sa Tayug para sa ika-5 at ika-6 na Distrito, sa utos na rin ni Governor Amado T. Espino, Jr., para mas mabilis na matugunan ang operasyon sa mga nasabing lugar.

                Nagkaroon din ng imbentaryo ng mga magagamit kung sakaling manalasa ang bagyo tulad ng mga dump trucks, rubber boats, ambulansiya at bumbero para na rin sa kahandaan ng probinsiya.

                Ang PDCC Tactical Operation Center sa Narciso Ramos Sports and Civic Center sa Lingayen ang tututok sa koordinasyon ng nasabing mga Advanced Command Posts.

                Sa ngayon, pinakikilos at nasa full alert din ang mga City Disaster Coordinating Councils (CDCCs), Municipal Disaster Coordinating Councils (MDCCs) at mga Barangay Disaster Coordinating Councils (BDCCs) sa buong probinsiya.

                Bilang paghahanda upang maiwasan ang malaki at malawakang pinsala na maaaring idulot ng bagyo, ang National Disaster Coordinating Council (NDCC) ay naglabas ng mga hakbang na dapat sundin at ipatupad.

                Kabilang dito ang pagdedeklara ng alert status ng mga CDCCs, MDCCs at BDCCs; paglalabas at pagbibigay impormasyon sa mga tao para magbigay ng babala sa peligrong dulot ng bagyo; maagang paglikas sa mga residente ng mga mababa at mabundok na mga lugar na posibleng pangyarihan ng biglaang pagbaha at pagguho ng lupa kung saan dapat unahin at bigyang prayoridad ang mga matatanda, kababaihan at mga bata; paggamit at paglikha ng mga kagamitang maaaring makapagligtas ng buhay gamit ang mga indigenous devices tulad ng balsa, salbabida at iba pa; paghahanda ng mga portable generators na makapagbibigay ng emergency power supplies; magimbentaryo ng mga sasakyan at kagamitang maaring gamitin sa mga rescue operations, alamin ang mga posibleng pagkuhanan ng tubig na maiinum at magimbentaryo ng mga gamit-pangkomunikasyon na maaring gamitin sa pagtugon sa kalamidad; at magbigay ng mga balita at impormasyon gamit ang anumang komunikasyon sa PDCC.

                Sa kasalukuyan, nakataas pa rin ang storm signal number 1 sa Pangasinan.

                Maaring kontakin ang mga mga sumusunod na Tactical Commanders ng PDCC Advanced Command Posts: PSupt. Rollie Saltat (Western Pangasinan)-0917-9179768; PSupt. Michael Nicolas (Central Pangasinan)-0919-5637117; at PSupt. Ronald Gayo (Eastern Pangasinan)-0928-2160453.

Back

Search site

© 2008 All rights reserved Pangasinan Today .

Free website :: Webnode

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Copy rights reserved 2008 Pangasinan Today Worldwide A Premium Paid WEBSITE by PANGASINAN TODAY

JavaScript Examples